COVID surge, posible sa pagpasok ng Omicron sa bansa – OCTA

Nagbabala ang OCTA Research Group sa posibleng COVID-19 surge sakaling makapasok sa Pilipinas ang Omicron variant.

Ito ay matapos pumalo sa higit 37,000 ang kaso ng COVID-19 sa South Africa kung saan unang na-detect ang Omicron.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, record-high ito para sa South Africa kung saan nasa 246 na kaso ang naitala noong November 8 hanggang 14.


Dahil dito, tumaas ng 200% ang weekly growth rate sa naturang bansa o katumbas ng 19,400 na kaso sa loob ng apat na linggo.

Dagdag pa ni David, umaabot sa 4.18 ang reproduction rate o bilis ng antas ng hawaan ng COVID-19 sa South Africa mula sa 0.48 na mas mataas sa Delta surge.

Samantala, sinabi ng Department of Health (DOH) na ang Omicron variant ay kayang makapanghawa ng hanggang 10 tao sa isang kaso base sa inisyal na pag-aaral.

Facebook Comments