CPP, umapela sa pulisya at sa militar na mag-stand dow n para sa pagpapalaya ng apat nilang “prisoners of war

Manila, Philippines – Umapela ang Communist Party of the Philippines (CPP) na mag-stand down ang pulisya at mga military sa tatlong probinysa ng Mindanao.
 
Ito ay para sa pagpapalaya ng apat na tinatawag nilang “prisoners of war.”
 
Ginawa ng CPP ang naturang panawagan kasunod ng kanilang anunsyo na bubuhayin nila ang unilateral ceasefire bago mag-Marso 31.
 
Nakatakda umanong palayain ang apat na bihag ng New People’s Army (NPA) sa Surigao Del Sur, Sultan Kudarat at Bukidnon.
 
Matatandaan na binuhay muli ng militar at pulisya ang kanilang mga operasyon laban sa New People’s Army matapos alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idineklarang ceasefire ng gobyerno at ang suspensyon ng peace talks noong Pebrero.
 
Habang nitong buwan lamang nang kumpirmahin ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ang pag-uusap ng gobyerno sa komunistang grupo.


Facebook Comments