Maglulunsad ang Philippine National Police (PNP) ng crackdown sa e-sabong operations batay na rin sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil na ang kontrobersyal na sugal.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba, oras na matanggap na nila ang detalyadong kautusan mula sa mga nakatataas ay sisimulan na agad nila ang operasyon.
Ang desisyon ng pangulo na ipatigil ang e-sabong ay ibinatay sa rekomendasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kung saan tinukoy ang masamang “social impact” ng nasabing sugal.
Tiniyak naman ni PBGen. Alba na may kapasidad ang PNP na ipatupad ang kautusan na may tamang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Facebook Comments