15 dayuhang turista na nagtungo sa Palawan, nagpositibo sa COVID-19

29

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 15 dayuhang turista na nagtungo sa Palawan ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa DOH, 13 sa mga ito ang asymptomatic habang ang dalawa ay may mild symptoms lamang

Ang 14 na dayuhang turista ay nasa isolation facility na ngayon habang ang isa ay nasa ospital.


Isasailalim naman sa genome sequencing sa Philippine Genome Center (PGC) ang mga sample na nakuha sa mga turista.

Facebook Comments