General Santos City—Tumaas ang crime clearance efficiency o mga na-solved na kaso ng pamamaril ng General Santos City Police Office ngayong taon na aabot ng 88.09 percent, ito ang kinumperma ni Police Sr. Inspector Davis Dulawan ang spokesperson ng GSCPO.
Ayon kay Dulawan mula sa buwan ng Enero hangyang Nobyembre nakapagtala sila ng 42 shooting incidents sa Gensan. 37 nito ay cleared sa ibig sabihin, identified ang suspek at nasampahan na ng kaso. 10 naman ang Solved kung saan nasakote ang suspek at nasampahan din nga kaso, 5 naman ang under investigation.
Dagdag pa ni Dulawan na bumaba din ng 36.6 percent ang kaso ng pamamaril sa Gensan ngayong taon kung ikukumpara noong nakaraang taon na aabot sa 66 na kaso.
Pagpagtaas ng crime clearance Efficiency ng GSCPO ay sanhi ng pagsisikap ng Police –Gensan para maresulba ang kaso ng pamamaril dito sa lunsod at dahil na rin sa kooperasyon ng kumunidad.