Crime Index sa Gamu Isabela, Bumaba!

Gamu, Isabela- Masayang ibinida ni Police Chief Inspector Richard Limbo ng PNP Gamu ang pagbaba ng Index Crime sa kanilang bayan sa naging talakayan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan kahapon, Hulyo 21,2018.

Batay sa ibinahaging datos ni PCI Limbo, mula umano Enero hanggang Hulyo ngayong taon ay mayroon lamang naitalang labing apat na crime index sa kanilang bayan at kung ikukumpara noong nakaraang taon ay bumaba ito ng labing dalawang crime incidents.

Aniya, pangunahin parin umano sa mga naitatalang incidente sa kanilang bayan ay ang aksidente sa mga lansangan lalo na sa bahagi ng Maharlika Highway sa Brgy. Gamu at maging sa bahagi ng Gamu to Roxas Road.


Dagdag pa niya ay ilan lamang umano sa mga pangunahing problema ay ang kawalan ng disiplina sa pagmamaneho lalo na sa mga nasasangkot na drayber ng motorsiklo kung saan ay lasing kung magmaneho, mga bahagi ng kalsada na under construction at kulang ng mga early warning device at maging ang kondisyon na din umano ng panahon.

Samantala, patuloy namang pinaaalalahanan ang ng PNP Gamu sa lahat ng motorista na maging responsable lamang sa pagmamaneho upang maiwasan ang disgrasya habang patuloy din sila sa pagpapatrolya at pagsasagawa ng mga check point sa mga bahagi ng lansangan na madalas magkaroon ng aksidente upang maiwasan ang mga disgrasya at krimeng nagaganap sa bayan ng Gamu.

Facebook Comments