Base na datos, sa kabuuang 511 krimen naitala para sa buwan ng Agosto.
Sa bilang, 64 dito ay Index crime habang 232 naman ang non-index crime. May 215 vehicular accidents at iba pang quasi-offenses din ang kabilang sa Public Safety Indicator.
Nangunguna ang Cagayan sa may pinakamaraming naitalang krimen na may 159; sumunod ang Isabela, 152; Nueva Vizcaya, 107; Santiago City, 81; Quirino, 11 at Batanes na may isang naitalang kaso ng krimen.
Ayon rin sa RIDMD, may kabuuang 39 Top Most Wanted Persons at 512 Other Wanted Persons ang naaresto noong nakaraang buwan.
Samantala, tumaas naman ng 4.12% ang Crime Solution Efficiency ng PRO 2 kung saan 426 kaso ang naresolba na.
Sinabi ni BGen Steve Ludan, ang regional director ng PRO2 na ang pagbaba ng bilang ng mga krimen sa rehiyon ay resulta ng patuloy na crime prevention efforts ng kapulisan at pinaigting na police-community partnership.