Crime volume sa bansa, patuloy na bumababa – PNP

Patuloy na bumababa ang krimen sa bansa dahil sa kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon kay PNP Chief, General Oscar Albayalde – mula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, ang naitalang crime volume na nasa 584,883 ay bumaba ng 10.9% ng sumunod na taon o 520,641 cases.

Nasa 6% ang ibinaba nito noong 2018.


Mababa rin ng 5.6% ang crime volume nitong first semester ng 2019 kumpara sa kaparehas na panahon ng 2018.

Itinanggi rin ni Albayalde ang report ng Armed Conflict Location & Event Data Project (ACLED) na ika-apat ang Pilipinas sa pinakamapanganib na lugar sa mundo para sa mga sibilyan.

Facebook Comments