
Nakatakdang humarap sa National Police Commission o NAPOLCOM mamayang alas-onse ng umaga ngayong Lunes, October 26, ang Philippine College of Criminology o PCCR intern na nakuhanan ng litrato habang nagmomotor nang walang suot na helmet.
Ayon sa NAPOLCOM, sasamahan ang criminology intern mamaya ni PCCR President Lei Bautista para magpaliwanag sa komisyon.
Matatandanag nauna nang nagbabala si Commissioner Ralph Calinisan sa mga criminology interns na hindi ipoproseso ang aplikasyon sa pagkapulis at hindi rin sila payagang kumuha ng NAPOLCOM examinations, sakaling mapatunayan ang alegasyon ng paglabag sa batas-trapiko.
Giit ng komisyon, kailangan munang matutong sumunod sa batas, ang mga taong nangangarap na maging isa sa mga tagapagpatupad nito.










