
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na makikipagtulungan sila sa mga law enforcement agencies sa ibang bansa para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga paratang na nag-uugnay kay Thomas Markle, ama ni Meghan Markle, Duchess ng Sussex.
Nabatid na sinabi ng mga awtoridad na si Thomas Markle ay may ng mga larawan ng pang-aabuso sa bata na naiulat na natagpuan sa kanyang mga gamit sa kanyang dating tahanan sa Cebu, bagama’t naiulat na itinanggi niya ang mga paratang.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., masusi nilang iimbestigahan ang nasabing akusasyon at makikipagugnayan ito sa foreign counterparts ng PNP sa United Kingdom at Unites States para sa mas maayos na palitan ng impormasyon sa nasabing usapin.
Ayon pa sa kanya, sakali mang mapatunayang sangkot nga ang nasabing nakatatandang Markle sa online exploitation ng mga kabataan ay sisiguraduhin nito na masampahan ito ng nararapat na mga kaso.










