Tuesday, November 17, 2026

Pasay LGU, pinalawig ang oras ng pagbisita sa Pasay City Public Cemetery sa paggunita ng Undas

Para magkaroon ng pagkakataon ang ng mahabang oras ang publiko sa pagbisita sa mga yumaong mahal sa buhay, pinalawig ng hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng lokal na pamahalaan ang pagbisita sa Pasay City Public Cemetery and Crematorium.

Ito’y mula October 31 hanggang November 2 kung saam mahigpit na seguridad naman ang inilatag ng Pasay PNP para masiguro ang kaayusan at kapayapaan.

Nabatid sa ilalim ng Oplan Kaluluwa 2026 ng Pasay LGU, bukas ang nasabing sementeryo mula alas-6:00 ng umaga janggang alas-5:00 ng hapon para magsagawa ng paglilinis at pagsasa-ayos ng puntod ang publiko.

Sa October 29 at 30, ang oras ng pagbisita ay pinalawig ng hanggang alas-8:00 ng gabi kunb saan hinihikayat ng Pasay LGU ang mga residente ng District 1 na bumista aa umaga habang sa hapon naman ang mga residente ng District 2 upang maiwasan ang siksikan.

Muling paalala ng Pasay PNP sa mga bibisita sa sementeryo, ipinagbabawal ang pahdadala ng alak, baril, matatalim na bagay, flammable materials, paninigarilyo, vaping, pagsusugal at malalakas na tugtugin gayundin ang paglalahsh ng mga tent sa loob ng mga hindi awtorisadong organisasyon.

Pinapayuhan ang lahat na magdala ng tubig, payong at pamaypay bilang panlaban sa posibleng sobrang init ng panahon kasabay nv paalala ng pagpapatupad ng Clean As You Go policy kaya’t inabisuhan ang lahat ng pagdadala ng trash bags at maayos na pagtatapon ng basura.

Facebook Comments