CRUISE MISSILES | Pilipinas, pinahihingi na ng saklolo sa Amerika laban sa China

Manila, Philippines – Pinahihingi na ng tulong ang Pilipinas sa America dahil sa paglalagay ng China ng Cruise missiles sa tatlong outposts nito sa Spratlys.

Batay sa ilang reports, nakapuwesto ang naturang mga missiles sa Zamora Reef (Subi), Kagitingan Reef (Fiery Cross), at Panganiban Reef (Mischief).

Ayon kay Caloocan Representative Edgar Erice, ang hakbang ng China ay maituturing na pananalakay sa Pilipinas at hindi basta banta lang sa seguridad ng bansa.


Sinegundahan naman ito ni Magdalo Party list Representative Gary Alejano na ang patuloy na pagiging agresibo ng China sa acting teritoryo ay delikado na para sa ating national security.

Nanawagan si Alejano sa Duterte administration na magising na mula sa matagal na nitong pananahimik at hindi pagkilos sa naturang usapin.

Hindi na aniya dapat magpauto ang Pilipinas sa matamis na pangako ng China na mga investments at loans para sa Pilipinas sapagkat patibong lamang ito kapalit ang seguridad ng Pilipinas.

Facebook Comments