
Maaaring masuspinde ang government employees na makikisawsaw sa politika.
Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga empleyado ng gobyerno na manatiling neutral, lalo na sa harap ng nalalapit na halalan sa Mayo.
Sa ilalim ng Joint Circular 1 ng Comelec at Civil Service, nakasaad ang mga bawal gawin ng mga empleyado ng pamahalaan pagdating sa politika kabilang ang pagkokomento sa sinumang kandidato sa halalan, paglalathala o pamimigay ng campaign materials at pagsusuot ng anumang kasuotang pangkampanya.
Maaari namang masuspendi ng isa hanggang anim na buwan at matanggal sa trabaho ang sinumang paulit-ulit na lalabag sa nasabing patakaran.
Una nang sinampahan ng kasong Inciting to Sedition sa Quezon City Prosecutor’s Office si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas matapos banatan ang pamahalaan kasunod ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.









