
Pansamantala munang hindi makabibiyahe ang mga tren ng Light Rail Transit o LRT Line 1 sa Ninoy Aquino Avenue Station hanggang sa dulong istasyon na Dr. Santos Avenue Station sa Parañaque City.
Ito ay dahil sa power supply concern na nararansan sa pagitan ng linya ng magkabilang istasyon.
Kinukumpuni na ng engineering team ng LRT Line 1 at ng Meralco ang problema sa linya.
Kasabay nito ay humihingi ng paumanhin at pang-unawa ang Light Rail Manila Corporation o LRMC na siyang nangangasiwa sa LRT Line 1 sa mga apektadong pasahero.
Sa ngayon, limitado na muna ang biyahe ng LRT-1 mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City hanggang Fernando Poe Jr., Station sa Quezon City.
Facebook Comments