
Ngayon pa lamang ay humihingi na ng paumanhin ang Department of Transportation o DOTr sa publiko sa inaasahang idudulot na matinding trapiko sa EDSA dahil sa gagawing pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para maibsan ang trapiko.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, pinaalalahanan nito ang publiko na asahan na ang matinding trapiko habang kinukumpuni ang EDSA na magsisimula sa katapusan ng Marso ngayon taon.
Aminado ang kalihim na hindi mapipigilan na bibigat ang daloy ng trapiko kapag ni-rehab ang EDSA dahil sa hindi na patse-patseng gagawin ang rehabilitasyon gaya noong mga nakaraan dahil sa ikukumpuni na ang buong EDSA.
Paliwanag pa ni Dizon na sisimulan ang rehabilitasyon sa susunod na buwan sa April na sisimulan sa bahagi ng Northbound portion mula sa boundary ng Quezon City/Caloocan hanggang Monumento.
Giit pa kalihim na ang rehabilitasyon ay bahagi ng paghahanda bilang country’s hosting ang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na taon.