Curfew at ECQ violators, mahigit 130,000 na ayon sa JTF COVID Shield

Dumami pa ang mga nahuling curfew at Ehanced Community Quarantine violators ng Joint Task Force COVID Shield.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, umaabot na ngayon sa 130,177 violators ang kanilang naaresto simula March 17 hanggang April 18,2020.

Sa bilang na ito 23,507 ay nasampahan na ng kaso sa pamamagitan ng regular filing habang 6,859 ay na inquest dahil sa paglabag at ngayon ay nakakulong pa rin.


Umakyat na rin sa 94,000 na mga naarestong violators ay pinauwi agad matapos na mapagsabihan at 5,539 sa mga naaresto ay pinagmulta.

Panawagan naman ni Eleazar, manatili sa bahay at sundin ang lahat ng quarantine protocols para makatulong upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Facebook Comments