Cauayan City, Isabela – Lalong hinigpitan ng kapulisan ang pagpapatupad ng curfew hours sa lungsod ng Cauayan City at patuloy ang pagbantay sa lansangan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa lungsod.
Ayon kay Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relation Officer ng Cauayan City Police Station na bawat araw ang ginagawang checkpoint sa mga daan sa lungsod ng Cauayan.
Sa katunayan ay bumaba na umano ang bilang ng mga nahuli na mga tambay at nag-iinuman sa gilid ng daan kumpara nitong nakaraang linggo.
Samantala mahigpit din umano ang kapulisan sa pagbantay at paghuli sa mga ma-iingay na mga motor o tambutso dito sa lungsod.
Binigyan diin pa ni PCR Officer Galiza na sinasamsam at tinatanggal ang mga traysikel o motorsiklo na may maiingay na tambutso maging ang mga gumagamit ng karagdagang ilaw na masakit sa mata ng mga motorista.
Paliwanag pa ni Police Senior Inspector Galiza na may parusang pagbabayad ang sinumang motorista na may paglabag batas trapiko.