Curfew hours sa Metro Manila, pinaiksi na

40

Napagdesisyunan ng Metro Manila Council na paiksiin ang curfew hours sa National Capital Region (NCR).

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MMDA Chairman Benjur Abalos na simula bukas, June 15, 2021 ay alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng umaga na ang curfew hour sa kalakhang Maynila.


Ito ay mula sa kasalukuyang umiiral na curfew hour na mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Ayon kay Abalos, ang pagpapaiksi ng curfew hours sa Metro Manila ay bunsod ng gumagandang datos o bumababang kaso ng COVID-19 sa NCR.

Layon aniya nitong mas mapalawig ang operating hours ng mga establisyimento at negosyo upang unti-unti nang sumigla ang ating ekonomiya.

Facebook Comments