Curriculum ng mga mag-aaral, pinapa-adjust ng isang senador matapos makakuha ng bagsak na score ang Pilipinas sa reading, mathematics, at science

Napapanahon na para i-adjust ang curriculum ng mga mag-aaral sa Pilipinas, matapos makakuha ng mababang score sa reading, mathematics, at science batay sa pinakahuling datos ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA).

Sa latest data ng PISA, sa 81 bansang sinuri ay hindi nagbago ang posisyon ng Pilipinas kung saan pang-anim ang bansa sa pinakamababa sa reading at mathematics at puma-pangatlo naman sa bagsak sa science.

Nababahala si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa resulta at iginiit na kailangang magpatupad ng adjustment sa curriculum upang mas malinang ang interes ng mga Pilipinong estudyante sa mga nabanggit na asignatura.


Pinamamadali ng senador ang pagpapatupad ng adjustment sa curriculum, upang matulungan ang mga mag-aaral na ma-develop pa ang kanilang interes sa mathematics at science gayundin ay maitanim ang siyentipikong pamamaraan na pagiisip sa mga estudyante.

Binigyang-diin pa ni Pimentel, na mabago na ang curriculum para makasunod ito sa demands ng makabagong panahon at matugunan ang ugat ng kawalan ng performance ng bansa.

Hirit pa ni Pimentel, na dapat maisip ng Department of Education (DepEd) ang epekto nito sa mga susunod na henerasyon kung hindi agad masososlusyunan at posibleng makaapekto ito sa employability ng mga Pilipino.

Facebook Comments