Customers ng online selling, pinabibigyan ni Sen. Gatchalian ng proteksyon

Inihain ni Senador Win Gatchalian ang Senate Bill 1591 o Internet Transactions Act na layuning magbigay proteksyon sa mga mamimili mula sa mga mapanlinlang at kaduda-dudang transaksyon o bentahan sa internet.

Target ng panukala na baguhin ang regulasyon ng online transaction sa bansa at gawing patas para sa kapakanan ng mga mamimili lalo na’t mas nakagawian ngayong may pandemya ang pagbili ng mga produkto sa online.

Bibigyang solusyon din ng panukala ni Gatchalian ang mga problema sa e-commerce tulad ng imprastraktura sa internet, pagbubuwis nito at iba pang reklamo ng mga consumer sa online.


Kaugnay nito ay iginiit din ni Gatchalian na maparusahan ang mga online selling app at online sellers na magbebenta ng mga produktong peke, pinagbabawal o hindi rehistrado.

Inihalimbawa ni Gatchalian ang pagbebenta ng mga counterfeit na software at food supplements.

Facebook Comments