UAAP | Bulldogs, wagi kontra Blue Eagles sa UAAP season 80 Men’s Volleyball final series

Manila, Philippines – Naging mahigpit at intense ang laban ng National University at Ateneo de Manila University sa unang laban para sa UAAP Season 80 Men’s Volleyball final series kanina sa Araneta Coliseum.

Naging palaban ang players ng The Bulldogs na umabot ng 25-20, 25-19, 25-23 victory para sa 1-0 na standing.

Nagtala si Marck Espejo ng 16 points sa 44 attacks para sa Blue Eagles habang ang pambato naman ng Bulldogs na si Bryan Bagunas ay umiskor ng 19 points.


Para kay NU Head Coach Dante Alinsunurin, nagkataon lang na sa kanila bola at talagang napaghandaan nila ang laban.

Sa Miyerkules (May 2) ang game 2 ng Bulldogs vs. Blue Eagles sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments