Manila, Philippines – Nasabon si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon sa pagdinig ng kamara kaugnay sa bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu na nakalusot sa ahensya.
Nabatid nitong mayo nang matuklasan sa warehouse sa Valenzuela City ang higit 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng higit anim na bilyong piso.
Paliwanag ni Faeldon – hindi na-encode ng hepe ng risk management office na si Larrybert Hilario ang mga mahalagang impormasyon kaugnay sa kargamento kaya ito nakalusot sa ahensya.
Ayon naman kay Aambis-Owa Representative Sharon Garin – nadiskubre naman na mayroon 600 pang kargamento ang naipuslit ng importer.
Para naman kay PBA Partylist Representative Jericho Nograles – tila naghuhugas-kamay ang mga kawani ng Customs sa pangyayari.
Nagbanta naman si Deputy Speaker Miro Quimbo ng zero budget sa BOC sa susunod na taon.
Pinatawan na ng preventive suspension si Hilario na kakasuhan ng gross neglect of duty.
Inako naman ni Faeldon na may command responsibility siya sa pangyayari.