Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Customs sa bansang Tsina kaugnay sa kampaniya kontra Smuggling Operations sa dalawang bansa.
Ito ang tiniyak ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon kay Faeldon, nagsimula na ang usapan sa pagitan ng Customs at mga miyembro ng Anti-Smuggling Bureau ng China Customs, kung saan natalakay ang inisyatibo ng dalawang bansa at ang mga ipatutupad na counter measures kontra sa mga iligal na kalakaran, tulad ng pagkakaroon ng mas epektibong communication strategy.
Ayon kay Faeldon, naging positibo ang feedback sakanila ng mga deligado ng bansang Tsina, kung saan umaasa sila na mas lalo pang mapagiigting ng dalawang bansa ang laban kontra smuggling.
Dagdag pa ni Faeldon na ang pinagtibay na alyansa sa pagitan ng dalawang bansa kontra smuggling ay dapat na umanong maging banta para sa mga smugglers.