CVMC, Hiniling sa RDC na Gawing Testing Facility Para sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Hiniling na ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Director ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang interbensyon ng Regional Development Council (RDC) para pabilisin ang approval ng aplikasyon ng CVMC na gawin itong Testing Facility Para COVID-19 sa region 2.

Ayon kay Dr. Baggao, malaki ang maitutulong kung ma-aprubahan ito sa lalong madaling panahon para mas mabilis na malaman ang lab test ng mga suspected cases sa buong region 2.

Sa ngayon kung hindi sa Research Institute for Tropical Medicine sa Mandaluyong ay sa Baguio General Hospital ipinapadala ang mga swab test ng mga pasyente mula dito sa lambak ng Cagayan.


Kadalasan ay inaabot sa dalawa hanggang tatlong araw bago malaman ang resulta.

Samantala, iminungkahi din ni Governor Dakila Carlo Cua ng Lalawigan ng Quirino na isama na ang Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City na gawing Laboratory Testing Center.

Ito ay para matugunan ang mga pasyente mula sa Santiago City, mga kanugnog bayan at mga pasyenteng mula sa mga Lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya.

Sa kabilang banda, inilatag ni Dr. Letecia Cabrera, OIC Regional Director of the Department of Health (DOH) ang kasalukuyang kalagayan, medical reports at preparasyon at mga aktibidades para masugpo at malabanan ang pagkalat ng COVID 19 sa region.

Facebook Comments