Cyber defense exercise na bahagi ng Balikatan Exercise 2025, nagsimula na

Nagsanib-puwersa ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Armed Forces para sa Cyber Defense Exercise o CYDEX sa ilalim ng Balikatan Exercise.

Sinaksihan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa Colombian Armed Forces, United States Indo-Pacific Command, Canadian Armed Forces, Japan Air Self-Defense Force, Philippine Coast Guard at AFP Cyber Command’s Cybersecurity Incident Response Team.

Layunin ng CYDEX na palakasin ang cyber defense capabilities ng Pilipinas at Amerika, at mas lalo pang paigtingin ang pagtutulungan sa harap ng mga modernong banta sa digital world.

Sa nasabing aktibidad, nagsanib ang mga eksperto mula sa dalawang bansa para sa mga simulated cyber attacks, palitan ng kaalaman, at pagbuo ng mga estratehiya para protektahan ang mahahalagang impormasyon at sistema.

Ayon sa AFP, mahalaga ang ganitong klase ng pagsasanay upang mapanatiling handa ang bansa sa harap ng cyber threats at para patuloy na mapatatag ang tiwala at ugnayan sa mga kaalyadong bansa.

Facebook Comments