Lalaking 10 taon nang wanted, arestado kasabay ng pagbabalik nito sa Pilipinas

Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking kababalik lang sa bansa mula sa Australia, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa ikinasang joint-operation ng Southern Police District (SPD), Philippine National Police Aviation Security Group at CIDG, inaresto ang isang 48 taong gulang na lalaki matapos nitong lumapag sa bansa mula sa Sydney, Australia.

Inalerto ng mga awtoridad ang Bureau of Immigration upang makorner ang lalaking matagal nang wanted dahil sa kasong homicide noong 2015.

Pagdating sa NAIA Terminal 3 ay agad itong pinosasan ng mga awtoridad.

Nasa kustodiya na ng CIDG at SPD ang lalaki para sa dokumentasyon at iba pang legal proceedings kung saan pinapayagan din itong makapagpiyansa sa halagang P40,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments