Cynthia Villar, sumagot kung bakit hindi dadalo sa pagpupulong

Magkakaroon ng ‘caucus’ o political meeting ang bago at kasalukuyang nakaupong mga senador sa darating na Miyerkules, ayon kay Senator Panfilo Lacson.

Gaganapin ang nasabing pagpupulong sa tirahan ni Senator Manny Pacquiao na hindi dadaluhan ni Senator Cynthia Villar, ang nanguna sa senatorial race at result nitong May 13 midterm elections.

“Ang magkikita doon sila, kailangan sila ang mag-usap. Mahirap iyong lahat kami nandoon. Paano makakapagsabi ng gusto nila iyong iba? Hayaan mong kausapin nila iyon at ayusin nila,” paliwanag ni Villar.


Una nang hindi sinuportahan ni Villar ang resolution na sumasang-ayon sa pamumuno ni Vicente “Tito” Sotto III sa Senado.

Ayon sa kaniya, pag-uusapan muna nila ng kaniyang ka-party mate na sina Pia Cayetano at Imee Marcos ang desisyon na ito

Pinahayag din ni Imee na interesado si Villar sa posisyon na pamunuan ang Senado na siya namang tinanggi ni Villar.

Ayon kay Lacson, ang pagpupulong na magaganap ay para patatagin ang desisyon na si Sotto ang mamuno sa Senado o maging senate president.

Facebook Comments