Hindi kuntento ang Department of Agriculture (DA) sa naitalang 3.1 percent na paglago ng crops at poultry sub-sectors sa ikalawang hati ng 2021.
Ayon sa DA, hindi ito sapat upang iangat ang pangkalahatang produksyon sa agri-fishery sector sa nabanggit na panahon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumamlay ng 1.5 percent ang agri-fishery sectors dulot ng paghina ng livestock at fisheries production na epekto naman ng African Swine Fever (ASF) sa industriya ng paghahayupan.
Gayunman, kumpiyansa ang DA na malalampasan ang mga hamon dahil sa mga ipinatutupad na interbensyon gaya ng bantay ASF sa barangay at ang nagpapatuloy na repopulation program.
Facebook Comments