
Nagkasundo na ang Department of Agriculture (DA) at ang mga stakeholders sa hog industry na maibaba ang presyo ng karneng baboy sa pamilihan.
Ito ang resulta ng isinagawang pulong kanina ng DA sa grupo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, unanimous ang decision ng mga layers, retailers, mga biyahero at ibang stakeholders na gawing ₱380 ang presyo ng kada kilo ng liempo habang sa kasim at pigue ay nasa ₱350 kada kilo habang ang sabit ulo naman ay nasa ₱300 pesos.
Magsisimula ang implementation ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa Lunes, March 10.
Ayon kay De Mesa, sa National Capital Region (NCR) muna ipatutupad ang pork MSRP, partikular sa mga wet markets.
Katuwang ng DA sa pagmo-monitor dito ay ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Philippine National Police (PNP).
Plano rin na magkakaroon ng periodic review pagkalipas ng isang buwan para makita kung kinakaikangang magsagawa ng adjustment.
Magsasagawa naman ng hiwalay na pag-aaral ang DA kung ipatutupad din ito sa mga supermarkets at hypermarkets dahil mas mataas ang kanilang operating costs habang may hiwalay na pag-aaral para sa ibang rehiyon.