DA at QC-LGU, makikipagtulungan sa mga eskwelahan para magpatupad ng urban agriculture project

Nagpartner na ang Department of Agriculture, Quezon City government at mga paaralan upang magpatupad ng urban agriculture project.

Ito ay bilang pagsuporta sa “Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Laban sa COVID-19” o “Plant, Plant, Plant” program ng DA.

Layon nito na tiyaking may sapat na mapagkukuhanan ng ligtas na pagkain na abot kaya ang mga paaralan at komunidad sa lungsod.


Maliban dito, makapagbibigay ito ng karagdagang kita sa mga benepisyaryo.

Base sa kasunduan, anim na paaralan sa Quezon City ang pagkakalooban ng technical assistance at inisyal na agricultural inputs tulad ng mga buto o binhi, garden soil, at vermicompost para sa vegetable component.

Kabuuang 93 paaralan ang makatatanggap ng seedling trays ng assorted vegetables at 2,000 Agri Grow Kits na naglalaman ng buto ng gulay, lupa, at polyethelyne bags.

Bukod dito, ang Agricultural Training Institute na rin ang magbibigay ng trainings, online courses, information, education, at communication materials may kaugnayan sa urban agriculture technologies.

Facebook Comments