DA, dumepensa sa isyu ng P4.88-B na unliquidated fund transfers

Tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol na walang iregularidad sa P4.88 bilyon na unliquidated fund na inilipat sa iba’t-ibang agencies at Non-Government Organizations (NGOs) na naatasang magpatupad ng iba’t-ibang proyekto ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Piñol, isa lamang itong simpleng isyu ng liquidation report kung kaya huwag nang bigyan agad ng kulay ng korupsyon.

Aniya, kasunod ng advise ng Commission on Audit (COA), naibigay na nila sa mga kinauukulang agencies ang demand letters para magsumite na ng liquidation report.


Sinabi ng kalihim na ang ACEF loan fund na P1.4-B ay nailipat sa Land Bank habang may nailipat din sa ilang State Colleges and Universities para sa research studies.

Facebook Comments