DA, HINIKAYAT NA I-REPORT ANG ILIGAL NA BENTAHAN NG MGA HYBRID RICE SEEDS

Hinikayat ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 ang publiko na huwag tangkilikin at isumbong sa mga awtoridad ang sinumang indibidwal, grupo o agricultural suppliers na sangkot sa pagbebenta ng mga hybrid rice seeds.

Ang mga naturang binhi ay ipinapamahagi sa mga magsasaka sa ilalim ng Seed Subsidy Program ng DA at may nakaindika na NOT FOR SALE sa packaging.

Kaugnay nito,mariing kinondena ni Regional Executive Director Narciso Edillo ang naturang maling gawain.

Ayon sa DA-RFO2, ang pagbebenta ng mga ito ay iligal at maaaring kasuhan ang nagbebenta at ang bumibili nito.

Dagdag pa ng ahensya, maaaring mga old stock ito at mababa na ang germination na maaaring makaapekto sa dami ng ani.

Di rin umano sigurado kung ang mga ibinebenta ba ay purong hybrid seeds o nahaluan na ng ibang variety.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), mga Local Government Unit at sa mga private seed company para tukuyin at papanagutin ang mga sangkot sa iligal na aktibidad.

Facebook Comments