
Inaprubahan na ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pag-import ng sibuyas upang mapigilan ang pagsirit ng presyo nito sa merkado.
Inaasahang darating sa loob ng susunod na dalawang linggo ang nasa 3,000 metric tons ng pulang sibuyas at 1,000 metric tons na puting sibuyas na magsisilbing buffer stock habang hinihintay ang sariwang ani.
Batay sa datos ng Bureau of Plant Industry (BPI), nasa 17,000 metriko tonelada ang nakokonsumong pulang sibuyas at 4,000 metriko toneladang puting sibuyas kada buwan.
Ang naitalang bumper harvest ng pulang sibuyas noong nakaraang taon ay inaasahang magtatagal lang hanggang nitong Pebrero, kung kailan magsisimula naman ang bagong panahon ng pag-aani.
Noong kalagitnaan ng January, iniulat ng BPI na ang mga pulang stock ng sibuyas sa mga storage facility ay nasa 8,500 metriko tonelada, samantalang ang stock ng puting stock ng sibuyas ay nasa 1,628 metriko tonelada.
Sinabi ni BPI Director Glenn Panganiban batay sa kanilang projection, ilang metriko tonelada na sibuyas ang maani ngayong buwan at abot sa 33,000 metriko tonelada ang inaasahang maani sa Marso.