DA, iniimbistigahan na ang pagtaas ng presyo ng manok

Iniimbistigahan na ng Department of Agriculture (DA) ang mga ulat na tumataas ang presyo ng manok sa mga pamilihan.

Sa ngayon base sa pag-iikot ng DA sa mga palengke sa Metro Manila naglalaro sa 160 hanggang 190 ang kada kilo ng manok.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Arnel Cayanan, padadalan nila ng letter of inquiry ang nagtitinda ng manok na sobra ang pagtaas ng presyo.


Iimbitahan anila ito para magpaliwanag dahil wala naman silang nakikitang dahilan upang magmahal ang presyo nito.

Dapat naglalaro lang sa 140 hanggang sa 160 pesos ang kada kilo ng manok malayo ito sa 190 pesos na namonitor ng DA.

Facebook Comments