Panukalang 2-year probationary period, magbubunga ng higit na pag-abuso sa mga manggagawa

38

Manila, Philippines – Ibinabala ni Senator Francis Kiko Pangilinan ang higit na pag-abuso sa mga manggagawa.

Ayon kay Pangilinan, ito ang ibubunga ng panukalang palawigin sa dalawang taon ang kasalakuyang anim na buwan na probationary period.


Diin ni Pangilinan, ang panukala ay paghadlang sa mga empleyado na makamit ang security of tenure na isang karapatang ginagarantyahan ng konstitusyon.

Giit naman ni Senate President Tito Sotto III, ang panukala ay salungat sa mga hakbang laban sa kontraktuwalisasyon.

Facebook Comments

From Advertisers