DA, ipinagmalaki na dumarami na ang mga kabataan na nagkakainteres na makilahok sa agribusiness

Dumarami na ang mga kabataan na nagpapahayag ng pagnanais na pumasok sa pagsasaka o agribusiness.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nagsimula na silang magsanay ng mga young agripreneurs na maaring humalili sa tumatandang farm-leaders ng bansa at makakatuwang sa pagkamit ng food security.

Ani Dar, nang magsimula ang pandemic, ang mga kabataan ay aktibong nag-aambag ng kanilang makabagong perspektiba at nagpapamalas ng kanilang entrepreneurial leadership.


Aniya, karamihan sa mga ito ay nagmo-mobilize ng bagong movements na magbebenepisyo sa farm, fishery at agribusiness sectors sa kanayunan.

Dahil dito, nangako ang kalihim na mapagkakalooban ang naturang agripreneurs ng credit, capacity- building, at post-graduate scholarship.

Facebook Comments