DA, itinangging pinapatay ang hog industry dahil sa importasyon

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi nila papatayin ang local hog raisers kasunod ng pagbaba ng taripa sa inangkat na baboy at pagtatakda ng Suggested Retail Price (SRP) dito.

Paliwanag ni Agriculture DA Spokesperson Noel Reyes, magkakaroon ng kakulangan sa supply ng karne kung hindi nila gagawin ang nasabing hakbang.

Bukod dito, wala rin aniyang maibigay na solusyon ang local hog industry para mapunan ang tatlong milyong populasyon ng baboy na nawala bunsod ng African Swine Fever (ASF).


Paliwanag pa ni Reyes, ang pagtatakda ng SRP at pagpapababa ng taripa ay paraan lang ng ahensya para mapababa rin ang presyo ng baboy sa merkado at matulungan ang mga konsumer sa gitna ng krisis.

Facebook Comments