Raptors at LA players, pinatawan ng suspensyon matapos ang kanilang girian

66

Pinatawan ng NBA ng tig-isang larong suspensyon sina Toronto Raptors guard DeAndre Bembry at Fred VanVleet kasama si Los Angeles Lakers guard Talen Horton-Tucker matapos ang kaguluhang kinasangkutan ng mga ito.

Bukod dito, pinagmumulta rin sila ng 30,000 US dollar o mahigit P1.4 milyon.


Pinagmumulta rin sina Raptors forward OG Anunoby at Lakers center Montrezl Harrell.

Matatandaang nagkaroon ng girian ang nasabing mga players nang buhatin ni Anunoby ang hita ni Dennis Schroder na nagdulot sa kaniyang pagkatumba.

Dahil dito, tinawagan ng technical foul si Anunoby at ito ay pinalabas sa court.

Facebook Comments