DA, magpapatupad ng importation ban sa mga karne ng manok mula Brazil dahil sa bird flu

Ipagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon o pag-aangkat ng karne ng manok mula sa Brazil dahil sa bird flu.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na sa ngayon ay wala pang regionalization agreement ang Pilipinas at Brazil para sa poultry products kaya maaaring i-ban ng Pilipinas ang buong bansa ng Brazil kahit na ang ibang rehiyon nito ay hindi apektado ng bird flu.

Ayon kay Laurel, hindi naman ito makaaapekto sa pangkabuuang supply ng karne ng manok sa bansa dahil maganda ang lokal na produksyon at may ibang mga bansa rin aniya ang nag-susupply ng frozen chicken sa Pilipinas bukod sa Brazil.

Bagama’t ang Brazil aniya ang may pinakamurang presyo ng karne sa suppliers ng Pilipinas, kakaunting porsyento lamang ang deperensya nito sa ibang exporters o processors.

Nasa isa hanggang dalawang linggong supply gaps lang din aniya ang mararanasan dahil sa pagpapalit ng lokasyon, pero hindi naman ito dapat ikabahala.

Facebook Comments