
Naghahanda na ang Department of Agriculture (DA) para sa paglulunsad ng Phase 2 ng pagbebenta ng P20/kilo ng bigas o Bente Bigas Meron Na Program.
Sa Malacañang press briefing, inanunsyo ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel na sisimulan na ring ibenta ang murang bigas sa Mindanao sa Hulyo.
Naka-preposition na aniya ang pamahalaan para dalhin ito sa Zamboanga del Norte, Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Maguindanao del Sur, Maguindanao, Davao Oriental, Maguindanao del Norte.
Ayon kay Laurel, uunahin ang mga lugar na ito dahil sa mataas ang insidente ng kahirapan.
Samantala, ipatutupad naman sa Setyembre ang Phase 3 ng programa sa iba pang lugar sa Mindanao, partikular ang Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Agusan del Sur, Darangani, Dinagat Islands at maging sa Catanduanes.