
Hinihikayat ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na mag-ingat at huwag magbigay ng pera sa sinumang indibidwal na nagpapanggap na si Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Sa inilabas na Public Advisory ng DA, gumagamit ng pangalan at contact number ni Secretary Laurel ang mga scammer upang makakuha ng financial assistance.
Ilan din sa report na natanggap ng DA ang mga kumakalat sa social media na umanoy mga instruction o kautusan na may pirma, contact number ni Sec. Laurel at pinalalabas na ito ay galing sa kalihim at sa kanyang opisina.
Paliwanag ng DA, ang mga panlolokong ito ay magdudulot ng pinsala sa publiko kaya’t ipagbigay-alam ito sa mga awtoridad.
Giit pa ng DA, walang sinumang binibigyan ng awtorisasyon na mag-solicit ng pera para sa DA o kay Secretary Laurel.
Maari anilang kumpirmahin sa kanilang tanggapan kung ang instruksiyon ay galing sa opisina mismo ni Secretary Laurel.