Baco, Oriental Mindoro, binaha; isa, nawawala matapos malunod sa Naujan

Matindi ring binaha ang ilang barangay sa Baco, Oriental Mindoro nitong weekend dahil sa ulang dulot ng shearline.

Mahigit 20 barangay ang apektado ng pagbaha.

Dahil dito, hindi madaanan ng mga sasakyan ang ilang kalsada sa Barangay Poblacion, Tagumpay, Sta. Cruz, Alag, at Burbuli.


Patuloy namang mino-monitor ang antas ng tubig sa Alag River na kasalukuyang nasa critical level.

Nito lamang Disyembre nang isailalim sa state of calamity ang bayan ng Baco dahil din sa malawakang pagbaha dala ng Bagyong Romina.

Samantala, isang 47-anyos na indigenous people na taga-Naujan, Oriental Mindoro ang napaulat na nawawala noong Sabado matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog at malunod.

Nagpapatuloy ang search and rescue operations ng MDRRMO.

Facebook Comments