
Nasa 19,716,461 balota na ang naimprenta na ng Commission on Elections (Comelec) mula sa National Printing Office (NPO).
Ito’y 10 araw mula nang sinimulan ng Comelec ang muling pag-iimprenta noong January 30, 2025.
Ang mga naimprentang balota ay 27.34% sa higit 72 milyon na target na official ballots na gagamitin sa 2025 Midterm Elections.
Karamihan sa mga natapos na balota ay inihahanda na para ipadala sa iba’t ibang opisina ng Comelec.
Inaabangan pa rin ang dagdag na personnel na itatalaga sa manual verification dahil dito bumabagal ang proseso sa mga naimprentang balota.
Sa kabila nito, muling sinisiguro ng Comelec na maaabot nila ang deadline sa April 14, 2025 para tapusin ang pag-imprenta.
Facebook Comments