DA, nakiusap sa Kongreso na ipasa na ang P66 billion stimulus package na magpapalakas sa sektor ng agrikultura

Nanawagan sa Kongreso ang Department of Agriculture (DA) na aprubahan na ang P66 billion stimulus package para sa sektor ng agrikultura na bahagi ng Bayanihan to Recover as One Act.

Ginawa ni Agriculture Secretary William Dar ang apela kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address na malaki ang maiaambag ng agrikultura sa muling pagbangon ng bansa mula sa epekto ng pandemya.

Marami aniyang plano ang ahensya sa ilalim ng Plant, Plant, Plant Program ng pamahalaan.


Mas maraming magsasaka at mangingisda ang makikinabang dito maliban sa mapapatatag ang suplay ng pagkain at mapapanatili itong abot kaya.

Maliban sa pagpapataas ng produksyon ng palay at mais, palalakasin ng DA ang pag-aalaga ng hayop at pangisdaan at fishery related commodities.

Facebook Comments