DA, pinaghahanda na ang mga lugar sa Visayas para sa pag landfall ni bagyong Ursula

Pinaghahanda na ng Department of Agriculture ang mga magsasaka sa harap ng pagtama sa Eastern Visayas bukas ng bagyong Ursula.

 

Inatasan ni Secretary William ang mga regional field offices sa Regions IV-A, MIMAROPA, Region 5, 6, 7,8 at Caraga na magpatupad ng hakbang upang matiyak na hindi magdudulot ng matinding pinsala sa pananim, paghahayupan at palaisdaan ang paghagupit ng bagyo.

 

Sa Caraga region, abot sa 356,640 hectares na pananim ang nasa maturing stage.


 

105,682 dito ay may malapit nang anihing palay habang 10,466 ha ay mga mais.

 

Payo ni Secretary Dar, anihin na ng mga magsasaka ang mature crops habang para sa ilan ay ipagpaliban muna ang pagtatanim.

 

Naka-monitor na rin ang DA-DRRM operations center sa mga maapektuhang lugar para sa agarang ayuda.

 

 

 

 

Facebook Comments