
Hindi dapat mangamba ang mga consumer sa pagkain ng duck o itik, manok at katulad na produkto kasunod ng pagkakatala ng unang kaso ng bird flu strain na H5N9 sa Camarines, Sur.
Ito ang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Joycel Panlilio sa isang online press conference kanina.
Aniya, hindi naman ito nakakaapekto sa mga tao kaya hindi dapat na matakot.
Gayunman, sinabi ni Panlilio na mas mabuting linisin at lutuin nang maayos ang duck products, manok at katulad, at mag-ingat.
Pagtitiyak muli ng Agriculture Department, may mga ginagawa nang hakbang laban sa banta o pagkalat ng H5N9, gaya ng quarantine, culling ng mga infected na hayop at intensive surveillance.
Facebook Comments









