DA, pumayag na ubusin muna ng retailers ang kanilang mga suplay ng imported na bigas na nabili sa mahal na halaga

Binigyan ng Department of Agriculture (DA) ng pagkakataon ang mga retailers na ubusin muna ang kanilang mga suplay ng imported na bigas na nabili sa mahal na halaga.

Ito ay matapos na ipatupad na ng DA simula ngayong araw ang ₱55 kada kilo na maximum suggested retail price (MSRP).

Sinabi ni DA Spokesperson at Asec. Arnel de Mesa na papayagan nila ito kung mapatunayang nakuha talaga sa mas mahal na presyo ang imported na bigas.


Gayunman, mahigpit pa rin aniya nilang ipatutupad ang puspusang pagmo-monitor sa mga palengke.

Ito ay upang matiyak na sumusunod ang mga retailer sa MSRP.

Puntirya ng DA na umabot ng hanggang ₱49 kada kilo ang presyo ng imported na bigas upang mayroong mabili na abot kaya ang publiko.

Facebook Comments