
Gagamitin ng pamahalan EDSA busway bilang special lane para sa pagho-host ng Pilipinas ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa 2026.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na ipagagamit sa official delegations ng ASEAN countries ang EDSA busway bilang special lane.
Tututukan ng MMDA ang pangangasiwa sa trapiko, at sa mga venue na pagdarausan ng mga pagtitipon at mga hotel.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) naman ang mamamahala sa imprastraktura, at Department of Tourism para sa turismo.
Sisimulan ang pagsasaayos ng EDSA sa Marso at target itong tapusin bago ang ASEAN Summit sa susunod na taon.
Facebook Comments