DA Region 2, hinikayat ang publiko sa Pagtatanim ng Gulay sa kabila ng banta ng COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Hinihimok ngayon ng Department of Agriculture-Regional Office No. 2 (DA-RFO 02) ang publiko na magtanim ng mga gulay bilang alternatibong paraan sa kabila ng umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ito ay paraan upang kahit papaano ay may mapagkukunang pagkain ang isang pamilya sa kabila ng krisis sa COVID-19.

Ayon sa ulat ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo, makipag-ugnayan lamang ang mga interesado sa tanggapan ng kanilang Municipal Agriculturist upang maka-avail ng programa sa pagkakaroon ng libreng vegetable seeds.


Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na sakaling walang espasyo na pagtataniman ay maaaring gamitin ang ilang empty plastic container.

Sinimulan na ngayon ang distribusyon ng mga seeds sa mga munisipiyo sa pamamagitan ng mga research centers at experiment stations ng DA sa mga probinsiya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

Facebook Comments