DA Region 2, Namahagi ng 175 Sako ng Bigas sa Batangas

*Cauayan City, Isabela*- Nagkaloob ng 175 na sako ng bigas ang Department of Agriculture Region 2 sa Probinsya ng Batangas na lubhang naapektuhan ng pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Ayon kay DA Region 2 Regional Director Narciso Edillo, nitong mga nakaraang araw ay naipadala na ang nasabing bigas sa Lipa City, Batangas na siyang hahatiin para sa mga pamilyang apektado ng pagsabog ng bulkan na nasa mga evacuation centers.

Dagdag pa ng direktor, ito ay batay na rin sa naging direktiba ni DA Secretary William Dar na magbigay ng tulong gaya ng bigas sa mga residenteng nasa evacuation centers.


Inihahanda na rin ang karagdagang 10 toneladang iba’t ibang uri ng gulay na magmumula sa Probinsya ng Nueva Vizcaya na inaasahang darating bukas ng umaga sa Batangas.

Nagkaroon na rin aniya ng unang pagpupulong ang mga kinatawan ng DA sa buong bansa para sa karagdagang tulong gaya ng livestock.

Facebook Comments